Month: Enero 2023

Makapangyarihan

Ipinanganak si Saybie na napakaliit at kulang sa buwan. Isinilang siya sa edad na 23 linggo lamang. Sinabi ng mga doktor sa mga magulang ni Saybie na hindi magtatagal ang buhay niya. Pero patuloy na lumaban ang sanggol na si Saybie. May isang kulay rosas na papel ang makikitang nakadikit sa higaan niya. Nakasulat dito: “Maliit pero Malakas.” Makalipas ang…

Ang Tanging Daan

“Huwag kang dumaan sa expressway!” Ito ang natanggap kong text mula sa anak ko nang papaalis na ako ng opisina. Tila naging isang malaking paradahan ang buong highway. Matindi ang trapik sa lahat ng daan. Sinubukan kong maghanap ng ibang daan pero sumuko ako. Magiging mahaba ang biyahe ko pauwi kaya nagdesisyon na lang ako ng mag-iba ng daan at magtungo…

Mahabaging Dios

May naghagis ng isang malaking bato sa bintana ng kuwarto ng isang batang Israelita. Nakadikit sa bintana ang isang larawan ng bituin ni Haring David. Nakalagay din doon ang isang lagayan ng mga kandila na ginagamit sa templo na tinatawag na menorah. Ipinagdiriwang kasi noon ng mga Israelita ang Hanukkah, o ang Piyesta ng mga Ilaw.

Maraming mga kapitbahay ang…

Anong Awit Mo?

Ilang mga Amerikano lamang ang nakakakilala kay Alexander Hamilton. Pero naging tanyag siya noong taong 2015. Sumulat kasi ng isang kanta si Lin-Manuel Miranda sa sikat na palabas na Hamilton. Dahil doon, alam na alam ng halos lahat maging mga kabataang estudyante ang kuwento ni Hamilton. Kinakanta nila ang mga awitin mula sa palabas saan man sila magpunta.

Mahalaga ang…

Binago Ng Dios

Matapos mabasag ni David ang bintana, natanggap niya ang unang pambubugbog sa kanya ng Tatay niya. Ikapitong taong kaarawan niya nang maganap iyon. “Sinipa at sinuntok niya ako. Pagkatapos naman ay humingi siya ng tawad. Isa siyang lasenggero. Paulit-ulit niya akong binubugbog. Ginawa ko ang lahat para matigil iyon.”

Pero matagal bago nakalaya si David mula sa hindi magandang karanasan…